LEGAZPI CITY – Nakiisa sa dalawang araw na Blood Donation Activity ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 5, sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col. Jefferson B. Araojo, Force Commander, na isinagawa sa isang mall sa lungsod ng Legazpi at sa pribadong unibersidad sa kaparehong lungsod.
Ang nasabing mga aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan katuwang ang Philippine Red Cross Albay Chapter at Department of Health Bicol.
Samantala, nakilahok din ang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Navy at iba pa.
Layom nitong makalikom ng sapat na supply ng dugo upang magamit ng mga taong lubos na nangangailangan nito.