Road Clearing operation sa mga pangunahing kalsada sa Naga City , ipinagpapatuloy

NAGA CITY – Naka sentro sa mga pangunahing kalsada ng Naga City ang road clearing operation na muling ginagawa ngayon ng mga personahe ng Traffic Management Center o TMC ng Public Safety Office, matapos na suspendihin ito sa kasagsagan ng COVID-19.

Ang mga kalsadang ito ay ang Roxas Avenue, Panganiban Drive at Elias Angeles.

Tulad ng dati hindi naman naging madali ang pagpatupad dahil sa may mangilan-ngilang mga resedente at negosyante ang komontra, subalit napapayag din matapos na mapaliwanagan ng maigi.

Batay sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Arnulfo Fausto ang Chief ng TMC sinabi niyang kailangan na mawala ang anumang mga hadlang sa ng publiko, ayon na rin sa unang inilabas na executive order ni City Mayor Nelson Legacion.

Agad na ring isusunod ang mga barangay lalo na iyong mga nag request na rin tulad ng Sabang at Concepcion Pequeña.

Marami pang kailangan na trabahuhin para makompletong matapos ang road clearing operation sa lungsod sabi pa ni Fausto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *