Road concreting project sa Cauayan City, nasa 65% na ang natapos

Nasa 65% na ang natapos sa road concreting project ng lungsod ng Cauayan para sa taong 2021.

Ito ang kinumpirma ni Cauayan City Engr. Edward Lorenzo sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Ayon kay Engr. Lorenzo, inaasahang matatapos sa loob ng dalawang buwan ang mga natitirang daan na aayusin pa sa lungsod partikular sa Barangay District 3, Tagaran, Turayong at ilang mga barangay pa sa Forest Region.

Ito rin aniya ay bilang paghahanda nila kung sakaling babalik ang face-to-face class sa mga estudyante.

Kaugnay dito, hiniling naman ni Engr. Lorenzo sa mga residente sa harap ng Cauayan North Central School na iaatras nila ang kanilang mga establisyemento upang magawa umano nilang ang dapat na lawak ng naturang daan.

Matatandaan na umutang ang LGU Cauayan City ng 130 million sa LandBank na unang inilaan para sa road concreting at pagpapatuloy sa mga hindi natapos ayusin na mga main roads dahil hindi umano nakakasapat ang 20% Economic Development Fund ng lungsod.

Samantala, pagkatapos ang pagsasayos ng mga daan ay isusunod naman umano ng Cauayan City Engineering Office katuwang ang LGUs ang pagsasaayos ng drainage canal sa poblacion area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *