Road defects, isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang bilang ng mga kaso ng reckless imprudence sa bayan ng Bacacay

LEGAZPI CITY – Aminado ang Bacacay Municipal Police Station na mayroong pagtaas sa bilang ng crime incidents sa kanilang bayan, partikular sa reckless imprudence.

‘Yan ang kinumpirma ni Deputy Chief of Police PCapt. Romeo Belen sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Belen, mula noong Enero hanggang Hunyo ay nakitaan ito ng pagtaaas ng bilang kung saan umabot sa 46% o binubuo ng 29 crime incidents.

Aniya, sa mga kasong ‘reckless imprudence resulting to homicide’ at ‘reckless imprudence resulting to damage property’, isa sa mga tinitingnang dahilan dito ay ang road defects dahil karamihan sa mga kalsada ay underconstruction.

Ito ang madalas na sanhi ng mga aksidente, subalit hindi lamang umano ito, sapagkat minsan, dahil din ito sa mismong mga drayber na may impluwensya ng alak o kaya nama’y kulang ang disiplina sa paggamit ng kalsada.

Samantala, hindi lamang ang nasabing mga kaso ang madalas na maitala sa bayan, kundi pati na rin ang physical injury, kung saan magkakapamilya lang naman ang nai-involve.

Dahil dito, inaasahan nila na ang mga residente sa kanilang bayan ay makikiisa sa kanilang kampanyang may kinalaman sa crime prevention act upang hindi na madagdagan pa ang mga crime insidents sa nasabing lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *