Robbery Snatching sa Olongapo kuha sa cctv

OLONGAPO- Nakunan ng cctv ang insidente ng robbery snatching na nangyari sa 18th St., Bgy. East Bajac-Bajac, Olongapo City nakaraang Sabado.

Makikita sa video na ipinost mismo ng City Police Station 1 ang pagsuntok muna ng lalaking suspek sa biktima nito na lalaki rin at tila may inaagaw.

Nasa kustodiya na ngayon ang hindi pinangalanang suspek at sasampahan ng karampatang kaso ngayong araw.

Ayon kay Pmaj. Rodel Paragas ang hepe ng Police Station 1, ipinost ang video sa layuning mabigyan ng babala ang publiko na mag-ingat dahil walang pinipiling oras ng pag-atake ang mga kawatan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *