Robin Padilla, humiling sa MTRCB na i-ban sa pelikulang ‘Plane’ ni Gerard Butler

Hiniling ni Senator Robin Padilla ang ban at kinondena rin ang pelikulang “Plane,” na pinagbibidahan ni Gerard Butler, na aniya ay naglalagay sa masamang imahe sa Pilipinas.

Sa isang manipestasyon na sinuportahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri, nanawagan si Padilla sa Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na ipagbawal ang pagpapalabas ng US film dahil hindi aniya ito katanggap-tanggap.

Habang ginagawa ang pelikula sa Puerto Rico, ang setting ng pelikula ay sa Jolo, Sulu sa southern Philippines kung saan inatake umano ng isang grupo ng militiamen ang mga pasahero ng isang eroplano na nag-emergency landing sa lugar.

Ginampanan ni Butler ang pangunahing papel ng isang piloto na kailangang labanan ang armadong grupo at iligtas ang kanyang mga pasahero palabas sa isla na pinamumugaran ng mga rebelde.

Ngunit sinabi ni Padilla na ang paraan ng pagsasalaysay ng pelikula ay may problema, na binanggit na ang Jolo ay nagkaroon ng marahas na nakaraan bilang pugad ng mga terorista at militia na ayon sa senador ay hindi na ganoon ang kaso.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *