Robot sa Spain, kayang magluto ng Paella

Spain— Sa bawat paglipas ng panahon, mas nagiging moderno ang pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao na mas nagpapabilis sa takbo at galaw ng mundo.

Marami na ring mga naimbentong makabagong kagamitan na nakakatulong upang mas mapabilis at mas mabigyan ng komportableng pamumuhay ang marami saatin.

Pero aakalain niyo ba na sa bansang Espanya, isang kompanya ang lumikha ng robot na kayang magluto ng sikat na putaheng “Paella” na kasing sarap ng luto ng isang Spanish Chef?

Nilikha ng kompanyang BR5 ang isang robot na kinahuhumalingan at nakakuha ng interes ngayon ng mga hotel, restaurants at resorts sa loob at labas ng Spain, dahil sa kakayahan nitong magluto ng Paella.

Ayon sa 41-anyos na si Enruique Lillo na isang Industrial Engineer ng BR5, ang kinakailangan lamang ng robot ay saktong sukat o dami ng mga ingredients para sa nasabing dish na siyang ihahanda ng mga kusinero at ito na ang bahalang magluto ng Paella.

Bukod dito, kaya rin nitong mag prito ng patatas o fries; magluto ng burgers at makagawa ng pizza.

Dagdag pa ni Lillo, ang naturang robot ay nagsisilbi lamang bilang assistant sa mga orihinal at eksperyansiyadong Chefs, huwag sana aniyang isipin ng publiko na inaagawan nito ng trabaho ang mga tao, bagkus ay mas pinapalakas lamang nito ang manpower o kapasidad ng mga tao na makalikha ng mas produktibong gawain. -30- || JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *