Rockfall event, muling naitala sa bulkang Mayon makalipas ang isang buwan

Makalipas ang isang buwan ay muling nakapagtala ang bulkang Mayon ng isang rockfall event kahapon, Disyembre 19, 2022.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), walang naitalang volcanic earthquake ang nasabing bulkan, gayundin naman, hindi rin ito nakitaan ng banaag o crater glow dahil natatakakpan ito ng ulap.

Dagdag pa nito, nagkaroon din ito ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-hilagang-kanluran at naitala rin ang bahagyang pamamaga nito.

Samantala, kasalukuyan pa ring nakataas sa alert level 2 ang status ng bulkan at paalala pa rin ng PHIVOLCS na palaging maging alerto, gayon din ang hindi paglapit sa permanent danger zone upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang mga insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *