Rodriguez, personal na ininspekyon ang Huluga cave

Personal na ininspeksyon ni Cagayan de Oro 2nd district representative Rufus Rodriguez, kasama ang mga personnel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang Huluga cave sa Sitio Taguanao, Barangay Indahag.

Nabatid na ang naturang kweba ay plano na ideklara bilang ecotourism site sa ilalim ng House Bill (HB) No.2448 ni Rodriguez.

Sa Facebook post, nakasaad na ang naturang kweba ay mayroong 30.30 meters na haba, at ang lagusan o cave portal ay mababa sa sukat na isang metro lang.

Ibig sabihin, ang mga papasok dito ay kailangan na gumapang para mapasok ang ibang bahagi ng kweba.

Una nang sinasabi batay sa Scripps Institution of Oceanography ng University of California sa San Diego na ang Huluga Cave ay historically important matapos madiskubre dito ang human skeletal remains na mula pa umano noong 350 AD. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *