Rollback sa presyo ng produktong petrolyo kadaso na ngayong araw

Simula ngayong araw ng Martes ay epektibo ang bagong round ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa abiso ng mga oil companies, magpapatupad ng P1.10 na rollback sa kada litro ng diesel.

May bawas naman na P0.35 sa kada litro ng gasolina; at P0.45 na tapyas sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang adjustment mamayang alas-sais ng umaga sa Pilipinas Shell; PetroGazz; Petron, Phoenix, FlyingV, UniOil, SeaOil; Jetti; PTT Philippines; at UniOil; habang kanina namang hatinggabi ito epektibo sa Caltex Philippines, at CleanFuel

Ipinatupad ang katiting na rollback matapos ang dalawang linggong sunud-sunod na big-time oil price hikes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *