Rolling vendors, bawal sa Balayong Peoples Park- City Gov’t

Bawal ang rolling vendor o mga nagtitinda sa Balayong Peoples Park, ayon sa Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay City Information Officer Richard C. Ligad, nakapaloob ito sa City Ordinace kung saan hindi pa pinahihintulutan ng lokal na pamahalaan na magtinda sa parke.

Gayunpaman, pinapahintulutan lamang ang vendors sa oras na may event o programa dito ang Lokal na Pamahalaan alinsunod sa pasya ng pamunuan.

Wala rin ideya si Ligad na may paniningil di umano ng isang vendor association sa ilang nagtitinda bago makapagtinda sa parke nang makausap niya ang architect ng Balayong Park.

Iginiit ng opisyal na wala pang guidelines ang pagtitinda rito kaya anumang oras ay maaari daw paalisin ang mga nagtitinda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *