Romblon Girl’s Volleyball Team pasok sa Palarong Pambansa

Batangas City –

Puspusan na ang paghahanda ng Girls Secondary Volleyball Team ng probinsya ng Romblon mula sa Magdiwang National High School para sa Palarong Pambansa 2024.

Pero bago nila ito naabot, hindi naging madali ang pinagdaanan ng bawat manlalaro pati na ng kanilang coach.

Sa panayam ng Brigada Batangas kay Coach Annietess Baldivia, ikinwento niya ang bawat pagsubok na kanilang pinagdaanan at nilagpasan bago makarating sa national meet.

Kwento niya, itinanghal silang kampeon sa Romblon Provincial Athletic Association Meet, gayunman, hindi raw sila napili para lumaban sa Regional Meet dahil sa kakulangan sa budget.

Pero dahil aniya sa kanilang dedikasyon para maipagpatuloy ng mga bata ang paglalaro, ginawa nila ang lahat para lamang magkaroon ng budget.

Nagsolicit siya kasama ang assistant coach na si Andrew Reyes upang mailaban ang talento ng mga bata sa paglalaro ng volleyball.

Aniya pa, naging hamon para sa kanila noon ang psychological conditioning dahil kailangan ma-inspire ng mga bata kahit na hindi sila napili.

Hanggang sa umayon sa kanila ang tadhana at nito lamang nakaraang buwan nang maging representative sila ng Romblon sa MIMAROPA Regional Athletic Association Meet sa Oriental Mindoro.

Muling hindi nagpadaig ang Romblon Team sa MRAA at itinanghal na kampeon sa Palarong pangrehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *