Romualdez, muling pinuri ang Comelec dahil sa ‘best in the world’ na May 2022 polls

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez ang Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagsasagawa ng inilarawan nitong “best election in the world” noong May 9, 2022 national polls.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos na maghost ang House of Representatives para sa mga Comelec officials para sa local launching ng Register Anywhere Project (RAP) ng commission.

Giit ng House Speaker, nais umano niyang pabatid na tiniyak ni Comelec chairman George Garcia na ang nakaraang halalan ay trouble-free, at ang automation ay smooth.

Samantala, sa usapin naman ng RAP, muling pinuri ng mambabatas ang poll body, dahil sa kanilang innovation, creativity, at serbisyo sa mamamayang Pilipino.

Nababatid na ang Kamara sa Batasan Complex ay nagsilbi bilang pilot area ng RAP, para makapagbigay ng off-site voter registration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *