Romualdez, tiniyak na hindi mauuwi sa kurapsyon ang Maharlika Investment Fund

Pinawi ni House Speaker Martin Romualdez ang pangamba ng ilang mga grupo na magiging pugad ng kurapsyon at mamimis-manage lamang ang kanyang ipinapanukalang pagtatatag ng sariling Maharlika Investment Fund o MIF ng Gobyerno.

Matatandaaang maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas na rin kasi mismo ang nagpahayag ng alinlangan sa MIF dahil baka posibleng mauwi ito sa kinahinatnan ng 1Malaysia Development Berhad (1MDB) – isang sovereign fund ng Malaysia na nauwi sa multi-billion corruption scandal.

Ayon kay Romualdez na siyang naghain ng House Bill No. 6398 para sa pagtatatag nito – tiniyak niyang mayroong mga nakalatag na sapat na safeguards para masigurong hindi mapupunta sa wala ang mga kontribusyon ng mga Pilipino.

Sa ilalim kasi ng panukala, aabot sa P275Billion ang ia-allocate na inisyal na pera para sa MIF mula sa iba’t ibang mga state financial institutions.

Iginiit pa ng Speaker na ngayong itinuturing daw ang Pilipinas bilang ‘Rising Star of Asia’ – nararapat lamang na magkaroon ng MIF sa bansa lalo na’t ‘economic leader in Asia Pacific’ na raw tayo.

Bago ito, una nang sinabi ni BSP Governor Felipe Medalla na dapat ay masiguro munang mama-manage nang maayos ang naturang pondo para hindi mauwi sa kurapsyon.

Giit ni Medalla, sakali mang ma-manage ng kasalukuyang administrasyon ang naturang pooled funds – hindi rin maiaalis ang posibilidad na ma-mismanage ito ng susunod na gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *