Ronnie Dayan, kumambyo rin at sinabing hindi tumanggap ng pera

Kumambyo na rin ng pahayag ang dating driver-bodyguard ni Senadora Leila de Lima na si Ronnie Dayan kaugnay ng unang pagdidiin sa mambabatas sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Sa kauna-unahang pagkakataon, humarap sa Muntinlupa Reigonal Trial Court bilang testigo ng depensa si Dayan kung saan ay sinabi nitong hindi totoo ang mga unang pahayag na bagman ito ni de Lima at wala rin aniyang katotohanang tumanggap siya ng pera mula kina dating BuCor OIC Rafael Ragos at Kerwin Espinosa.

Ayon sa abugado nito na si Haidee Soriano, nilalaman ng testimonya ngayon ni Dayan na wala umano itong dineliver na pera kay de Lima at wala ito sa bahay ng Senadora sa mga oras na unang inilahad sa mga 2016 testimonies.

Sa katunayan, isang beses lang daw siyang pumunta sa tahanan ni de Lima para tumulong sa pagaayos ng christmas decorations.

Katulad ng mga unang ginawang pag-recant nina Ragos at Espinosa, sinabi rin ni Dayan na pinilit lang siya na pumirma sa testminonya nito noon.

Samantala, humarap din sa pagdinig si de Lima kung saan ay pinasalamatan nito ang mga sumuporta at patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalayaan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.