Roselle Bandojo task group pangungunahan ng dating PNP Bicol Regional Director

bNAGA CITY- Binuo na ang “Roselle Bandojo Task Group”, ito ay matapos ang ikalawang case conference kaugnay ng updates ng Naga City Police Office at National Bureau of Investigation.

Ayon kay Mayor Nelson Legacion pangungunahan ni Dating PNP Regional Director at ngayon City Councilor General Omar Buenafe ang task group.

Nabigyan na ang Alkalde ng listahan ng mga persons of interest. Napag-alaman din ng Brigada News FM Naga sa NCPO na may inisyal na resulta na ang autopsy ng bangkay. Dagdag ni Legacion mayroon na rin silang kopya ng circumstantial evidence na naipon ng mga Investigators on Case. Pero may mga impormasyong hindi pa iparating sa publiko dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Pagpupunto pa ng Alkalde wala siyang timeline sa grupo pero dapat sa mabilis na panahon. Ang mga may alam sa impormasyon sa pangyayari pumunta sa himpilan ng pulisya o tumawag sa mga hotlines ng police stations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *