Roster ng 12-man team ng Gilas para sa Olympic Qualifying tournament sa Serbia, naisapinal na

Naisapinal na ang desisyon kung sino-sino ang mga kasali sa 12-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa Olympic Qualifying tournament sa Belgrade, Serbia.

Huling naalis ang teenager na si LeBron Lopez mula sa 15-man pool na nagpartisipa sa third window ng FIBA Asia Cup qualifiers.

Kabilang naman sa mga napanatili sa lineup ay si Carl Tamayo, na nakaranas ng injury sa laro kontra Indonesia noong nakaraang linggo.

Makikita rin na kasama sa roster ang young stars na sina RJ Abarrientos, Geo Chiu at Kai Sotto.

Kinumpleto naman nina Justine Baltazar, SJ Belangel, Isaac Go, Jordan Heading, Ange Kouame, William Navarro, Mike Nieto, at Swight Ramos ang team para sa OQT.

Manggagaling ang Gilas mula sa 6-0 sweep sa Asia Cup qualifiers, kabilang na ang 3-0 run nito sa third window.

Natalo ng Pilipinas ang regional rivals nito na South Korea ng dalawang beses, habang tumabla naman ito sa Asia powerhouse China, sa score na 79-all sa kanilang tuneup game noong Miyerkules.

Mababatid na unang makakalaro ng Gilas ang hosts na Serbia at Dominican Republic sa July 1 at July 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *