Roxas, handa na sa pagbalik ng kuryente- PALECO

Naisaayos na ang mga poste ng kuryente sa Poblacion Area ng Bayan ng Roxas, Palawan ayon yan sa PALECO Roxas Sattelite Office.

Sa paliwanag ni Willie C. Mandapat, Area Chief ng PALECO Roxas, anumang oras ay maaaring magkaroon ng daloy ng kuryente ang mga linya ng PALECO sa Poblacion ng munisipyo kung bibigyan ito ng NAPOCOR.

Target na bago ang sumapit ang buwan ng Pebrero ay magkakaroon na ng suplay ng kuryente.

Tinataya namang nasa 50% ang mga poste na nasira ng nagdaang bagyo sa munisipyo ay kanilang naibalik na.

Paalala ni Mandapat, mula sa 7,000 mga consumers (Households) ay nasa 200 lamang ang naisasayos ang linya patungo sa kanilang mga tahanan.

Samantala, panawagan ng Area Chief sa mga consumers na mag-provide ng mga wires o maging ng poste na pagkakabitan ng kanilang service drop kung sakali mang nasira, dahil hindi umano ito sagot ng PALECO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *