RST sa Nutrisyon, ilulunsad sa So.Cot sa Valentine’s Day

KORONADAL CITY – KASABAY ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, ilulunsad ng Provincial Nutrition Committee ng South Cotabato sa Pebrero 14 ang programang “Responsableng Pagsagop kag Pagtatap sa Nutrisyon” o RST sa Nutrisyon upang masolusyunan ang problema sa malnutrisyon sa lalawigan.

Ang RST sa Nutrisyon ay mag-aalok ng mga serbisyo sa mga severely wasted at underweight na mga preschoolers.

Kabilang sa mga ito ang pagbibigay ng clinical attention, nutrition intervention at social services.

Napag-alaman na pitong mga bayan sa lalawigan ang nakapagtala ng mataas na numero ng severely underweight at wasted na mga preschool children noong 2022 habang ang ibang mga bayan ay may average lima hanggang walong mga severely undernourished children.

Ang launching program ay isasagawa sa Barangay Laconon, T’Boli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *