RT-PCR Test o Antigen Test, mandato sa mga travelers via inbound flights

Mandatong magprisinta ng negative RT-PCR o antigen test result ang mga darating sa lungsod ng Cauayan sa pamamagitan ng inbound flights o air travel.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan, batay sa inilabas na Executive order no. 41 ng local na pamahalaan ng Cauayan City kinakailangang magprisinta ang mga darating sa lunsod sa pamamagitan ng inbound flights ng negative RT-PCR Test na valid ng 48 na oras.

Ito ay epektibo ngayong araw kasabay ng pagsasailalim ng General Community Quarantine bubble set-up sa lunsod.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na lahat ng darating sa lunsod ay mandatong dumiretso sa triage upang masuri ang mga travel documents na kinakailangan at screening.

Habang sa mga wala namang maiprisinta na RT-PCR test result ay isasailalim agad sa antigen test at kung positibo ang resulta nito ay idederetso sa isolation facility at sasailalim sa confirmatory test o swab test.

Layunin ng nasabing ordinansa na maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 at makontrol ang local transmission sa lunsod.

PHOTO| Cauayan Aps

Leave a Reply

Your email address will not be published.