Magkakaroon ng board meeting ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 3 ngayong hapon.
Ito ay para pag-usapan ang natanggap na petisyon ng RTWPB para sa taas pasahod sa Central Luzon.
Ayon kay OIC Board Sec. Kenneth Liza, nitong nakalipas na Hunyo ay mayroong natanggap ang kanilang opisina na isang wage hike petition.
Ang petisyon umano ay nagnanais ng P1,100 minimum wage per day sa rehiyon at ito ang pag-uusapan ngayong araw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
