Ruffa, bumalik sa pag-aaral

“You’re never too old to chase your dreams”

Yan ang mababasa sa social media post ng aktres na si Ruffa Guttierez nang ianunsyo nito ang kanyang panibagong milestone sa buhay..

Sinabi ng 46-anyos na beauty queen na humbled at excited siyang ibahagi sa lahat na naka-enroll na siya sa Philippine Women’s University para kumuha ng Bachelor of Arts Degree major in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Ayon kay Ruffa, matapos ang 34 taon niyang pagtatrabaho sa entertainment industry, ay pinili niyang ituloy ang kanyang edukasyon.

Dagdag ng aktres, bukod sa pagtupad sa kanyang matagal nang pinapangarap, ay nais niya rin i-take control ang susunod na kabanata ng kanyang buhay.

Nais rin ni Ruffa na maging good example para sa kanyang mga anak.

Matatandaan na nagsimula sa pag-aartista si Ruffa, na kaisa-isang anak na babae nina Eddie Gutierrez at Anabelle Rama, noong teenager pa lang ito.

Naging bahagi si Ruffa ng “That’s Entertainment” noong 90s at nagtapos bilang second runner-up ng Miss World 1993.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *