Russia idineklarang matagumpay ang pagkubkob sa Mariupol City sa Ukraine

Idineklara ng Russia ang kanilang tagumpay sa pagkubkob sa Mariupol city sa Ukraine matapos ang month-long na sagupaan.

Ayon sa Moscow official, tuluyan nang sumuko ang mga huling fighters na dumedepensa sa Azovstal steel plant sa lungsod na ginawang kampo at pinagtaguan din ng mga sibilyan.

Napag-alaman na ilang buwan na na-trap sa steel complex ang tropa ng Ukraine para maidepensa ang Mariupol pero nagtagumpay pa rin ang tropa ng Russia.

Sinabi ng Russian Defense Ministry na “completely liberated na ang steel plant matapos na tuluyang umalis sa lugar ang natitirang 531 na Ukrainian troops.

Unang kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nabigyan ng permiso para ligtas na makaalis sa planta ang natitirang mga defenders.

Matatandaan na inihayag ni Zelensky na mas mahalaga sa kanya na manatiling buhay ang kanilang mga bayaning sundalo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *