Inakusahan ng Russia ang Ukraine ng pagtatangkang patayin si Vladimir Putin sa isang double drone strike sa Kremlin.
Sinabi ng Moscow, na napigilan nito ang attempt at itinuring na terrorist act ang pagtatangka sa buhay ng Pangulo.

Samantala, mabilis na tumugon ang Ukraine sa akusasyon.
Ayon kay Ukraine’s President Volodymyr Zelensky, wala silang impormasyon tungkol sa sinasabing pag-atake sa Kremlin.
Inulit din ni Zelensky na patuloy nilang pinoprotektahan ang kanilang teritoryo at hindi para atakihin ang iba katulad ng Russia.//CA