Russia, ite-test ang nasal spray COVID vaccine

Susuriin ng Russia ang epekto ng nasal spray form ng Sputnik V vaccine nito laban sa COVID-19 kasama ang mga adult volunteers.

Base sa isang state document na inilathala noong Martes ay ia-apply ng dalawang doses ang nasal spray sa mga volunteers sa isang klinika sa St. Petersburg.

Wala naman binanggit na oras para sa clinical tests.

Ang Russia ang isa sa mga naunang nag-develop ng bakuna nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon.

Gayunman, naging mabagal ito dahil sa pagbaba ng tiwala ng Russians sa mga otoridad at sa mga bagong medical products nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *