Russian-installed leader pinalikas ang mga sibilyan sa southern Kherson region ng Ukraine

Pinalilikas na ng Russian-installed leader sa southern Kherson region ng Ukraine na si Vladimir Saldo ang mga sibilyan sa kanilang lugar dahil umano sa araw-araw na rocket attacks na ginagawa ng Ukrainian forces.

Sinabi ni Saldo na para sa kaligtasan ng mga residente, mas magandang magtungo ang mga ito sa Russia para magbakasyon o kaya ay mag-aral at magpatulong sa Moscow.

Sinuportahan naman ni Russian Deputy Prime Minister Marat Khusnullin ang pahayag ni Saldo.

Sa kabilang banda, mariin namang itinanggi ng Ukraine ang alegasyon na tinatarget nito ang kanilang sariling mamamayan.

Matatandaan na kamakailan ay nabawi ng tropa ng Ukraine ang ilang lugar sa north-western Kherson na nakubkon ng Russia.

Samantala, kinumpirma ng gobernador ng Rostov region sa Russia na si Vasily Golubev na nakatakdang dumating sa kanilang lugar ang unang batch ng mga mamamayan mula sa Kherson kung saan bibigyan ang mga ito ng libreng accommodation at mga pangunahin nilang pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *