Russian woman, hinatulan guilty ng US court sa cheesecake-poisoning ang kanyang kamukhang Amerikano

Isang Russian woman ang hinatulang guilty ng US court dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kamukhang amerikano gamit ang poisoned cheesecake.

Si Viktoria Nasyrova, 47 anyos ay napatunayang nagkasala sa kasong attempted murder base sa desisyon ng Jury sa New York.

Nangyari ang insidente noong August 2016 matapos na bisitahin ni Nasyrova ang tahanan ng kanyang 35-anyos na biktima na may dalang regalo na cheesecake.

Kinain ng babae ang dessert at nagsimulang makaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan saka nawalan ng malay.

Sinuri ng mga law enforcement agencies ang cheesecake at nalaman na nilagyan ito ng Phenazepam, na isang highly potent sedative drug.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *