S. Luzon, VisMin, malaki ang tsansang ulanin dahil sa ITCZ – Pagasa

Magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang ulan ang intertropical convergence zone (ITCZ) sa malaking bahagi ng bansa, mula Southern Luzon, hanggang sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, may mga nakikitang cloud clusters sa naturang rehiyon, kung saan malaki ang posibilidad ng pag-ulan sa southern Calabarzon, Mimaropa at Central Visayas.

Sa kabila ng rain showers, wala naman weather disturbances gaya ng low-pressure area o tropical cyclone na namamataan.

Samantala, ang northern at Central Luzon, kabilang na ang Metro Manila, ay mananatiling mainit at maalinsangan ang panahon, bilang epekto ng easterlies

Babala ng Pagasa, posible ang flash floods o landslides sa oras na katamtaman hanggang sa kung minsa’y malakas ang ulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *