S-PASS, mahigpit na ipinatutupad sa border ng Batangas City

Batangas City -Mahigpit ang tinuran ng pamunuan ng lokal na pulisya na hindi makakapasok ng Lunsod ng Batangas ang mga nagnanais kung walang maipakikitang aprubadong S-Pass at mga requirements na kaakibat nito.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay P/Maj Erickson Go, Batangas City Deputy COP, sinabi nito na palagiang may naka-duty sa mga border papasok ng Batangas City at madadagdagan, mapapalakas pa ang checkpoints na ito simula alas-12:01 ng madaling araw ng Agosto a –sais kasabay ng pagsasailalim ng NCR sa ECQ.

Ipinalinawag ni Maj. Go na dapat may maipakitang S-PASS sa mga borders at kung wala nito ay tiniyak na hindi makakapasok hangga’t hindi naku-kumpleto ang mga requirements na isinasaad ng S-PASS.

Ito aniya ay kaugnay sa pag-iingat na makapasok ang pinangangambahang delta variant, nakapaloob kasi sa SPASS ang pangangailangan ng negative RT-PCR test result sa sinumang nagnanais na makapasok sa lunsod.

Nagpasubali naman ang opisyal na kung ikaw ay nakatira saan man parte ng lalawigan ng Batangas ay maaring magpakita ng kaukulang ID o dokumento upang mapayagang makapason sa Batangas City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *