Sabon na panlaba, kinain ng isang chairman ng isang kompanya para mapatunayan na organiko ito at walang halong kemikal

Umani ng halakhak sa mga netizens kamakailan ang isang chairman ng Hongwei dahil sa nagviral ang bidyo nito patungkol sa pagkain niya ng kanilang produktong sabon dahil sa pinatutunayan niyang organic ito at purong natural.

Itoโ€™y isang sabon na panlaba kung saan, mayroong sangkap na organic substances gaya ng alkali water, animal fat at gatas.

Ipinagmalaki nito na ang nasabing sabon ay lasa umano ng taba at wala umanong gutter oil, maging additives gaya ng talc o whitening agent na titanium dioxide.

Ngunit, imbis na pumatok at marami ang bumili ay maraming netizens ang natawa at may ilan pang nagbiro na maaari itong maging reserba kung sakaling magkaroon ng kakulangan sa pagkain.

Agad naman iton pinabulaanan ng nasabing kompanya at sa inilabas nilang pahayag ay hindi umano nila hinihikayat o intension na kainin ang nasabing produkto.### WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *