Safeguards para ‘di maabuso ang medical use ng marijuana, pinatitiyak

Sumalang sa public hearing ng isang subcommittee of the Committee on Health and Demography sa Senado ang panukala na layong gawing legal ang medical use ng cannabis bilang compassionate alternative sa panggagamot.

Pinangunahan ni Senador Robinhood Padilla ang pagdinig para talakayin ang mga nilalaman ng kanyang panukala na Senate Bill No. 230 o ang Medical Cannabis Compassionate Access Act of the Philippines.

Ayon kay Padilla, sa pamamagitan ng panukala ay mabubuksan ang pinto para sa mga magulang at mga pasiyenteng matagal nang nananawagan na magkaroon ng legal access sa medical cannabis.

Pagtitiyak ng Senador, bagamat malayo-layo pa ang pagdaraanan ng panukala para maging isang ganap na batas – mahalaga raw na dinidinig ito bilang ‘small first step’ sa medical use nito.

Umapela naman si Senador Christopher ‘Bong’ Go na magkaroon na muna ng nararapat na safeguards para hindi maabuso ang paggamit nito.

Aniya, bagamat bukas siya na pag-aralan ang medical use ng marijana, dapat ay siguraduhin munang may mga nakalatag na hakbang nang sa gayon ay hindi ito abusuhi nino man.

Para naman kay Senadora Nancy Binay, dapat ay makapagkumbinse na muna ang mga proponents ng batas ng mga doktor at iba pang medical practitioner na mag-prescribe ng medical cannabis sa mga pasiyente.

Matatandaang sa ibang bansa, ginagamit ang cannabis oil para sa treatment ng mga inaatake ng epilepsy.

Muli namang nilinaw ni Binay na ang isinusulong sa Senado ay ang ‘finsihed dosage’ ng marijuana para sa panggamot, at hindi ang raw form nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *