‘Safety’ hindi nakompromiso sa pag-alis sa vital screening sa COVID-19 vaccination

Tiniyak ni Health Sec. Francisco Duque III na hindi makokompromiso ang kaligtasan ng mga magpapabakuna ngayong tinanggal ng Department of Health ang vital signs screening sa COVID-19 vaccination.

Paglilinaw naman ni Duque tanging mga nasa ‘high-risk group’ o yung mga mayroong medical condition ang isasa-ilalim sa vital sign screening para ma-check ang kanilang blood pressure.

Ayon kay Duque nagpapatagal sa proseso ng vaccination kung lahat ng tao ay kukunan pa ng blood pressure.

Iginiit din ng kalihim na kung tutuusin ang Pilipinas lamang ang bansang nagsasagawa ng vital sign screening sa mga tuturukan ng COVID-19 vaccine.

Magugunitang ang pagbabago sa vaccination guidelines ng DOH ay kasunod ng rekomendasyon ng Philippine Society of Hypertension at Philippine Heart Association.

Samantala inihayag naman ni Duque na balak nilang dagdagan pa ang mga personnel sa post-vaccination teams para magmonitor sa mga katatapos pa lamang makakuha ng kanilang COVID-19 jabs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *