Sagñay, Camarines Sur-Tiwi, Albay road passable na ang isang linya matapos ang panibagong rockslide

NAGA CITY- Passable na ang isang linya sa Sagñay, Camarines Sur- Tiwi- Albay Road matapos ang panibagong rockslide nitong Feb. 14 pero para sa mga light vehicles pa lamang.

Inabisuhan ng Municipal Risk Reduction and Management Office (MDRRM)- Sagñay, Camarines Sur ang mga motorista na delikado parin sa Patitinan dahil sa pag-uulan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Jam Tria ng nasabing opisina, sinabing kasama nila kahapon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa clearing operations pati na rin assessment sa lugar. Kahit aniya nadaraanan matapos ang clearing may movement o paggalaw sa lupa kaya delikado.

Ilang beses nang nagkaroon ng landslide sa lugar ngayong 2023 una nang sinabi ni Mayor Jovi Fuentebella, tuloy-tuloy ang engineering interventions sa hazard prone areas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *