SAGUPAAN SA PAGITAN NG MAKAKALIWANG PANGKAT AT MILITAR, SUMIKLAB; 3 NPA MEMBER, PATAY

Patay ang tatlong miyembro ng New Peoples’ Army na nakasagupaan ng military Sitio Bigoc, Sta Teresita, Cagayan at Sitio Angod, Poswoy, Balbalan, Kalinga kahapon.

Sa ibinahaging impormasyon ng 5TH Infantry Division, Philippine Army, unang nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng 95th Infantry Battalion na nasa operational control ng 501st IB laban sa halos 20 miyembro ng Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan at Isabela, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Ito ay nagresulta ng pagkamatay ng dalawang NPA member at pagkarekober ng 2 R4 rifles, at tig-isang M16 rifle at M653 rifle. Kinumpirma naman ng 5th ID na ito na ang ikawalong sagupaan sa pagitan ng unit sa ilalim ng 501st IB mula nang inumpisahan ang intensified security operation sa Cagayan.

Sa kaparehong araw ay nasawi naman ang isang miyembro ng NPA matapos ang engkwentro sa pagitan ng 50th Infantry Battalion at mga miyembro ng ng Komiteng Larangang Gerilya Baggas, Ilocos Cordillera Regional Committee.

Patuloy namang iniaalam ng kasundaluhan ang pagkakakilanlan ng tatlong miyembro ng NPA na nasawi sa dalawang engkwentro upang maayos ang kanilang burol.

Hinihikayat pa rin ng PTF-ELCAC Cagayan at Kalinga ang mga natitirang miyembro ng kilusan na sumuko na sa pamahalaan upang matamasa ang benepisyo sa ilalim ng E-CLIP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *