Editors Pick

Salceda, ibubunyag ang mahahalagang info sa agri-smuggling sa takdang panahon

Ibubunyag umano ni Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, ang mga impormasyon mula sa “top-level intelligence” kaugnay sa agricultural smuggling sa bansa, sa tamang panahon.

Ito ang kanyang sinabi sa House panel na kanyang pinangungunahan sa harap ng pagsisimula ng kanilang imbestigasyo, in aid of legislation, kaugnay sa talamak na smuggling ng mga agricultural products sa bansa, sa kabila na absent si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Matatandaan na noong nakaraang linggo nang punain din ni Senator Imee Marcos si Ruiz dahil sa pagiging no-show nito sa Senate hearing.

Ang inquiry kaugnay sa naturang usapin ay batay sa House Resolution No. 311 na inihain nila Reps. Horacio Suansing Jr. ng Sultan Kudarat 2nd District at Mikaela Angela Suansing ng Nueva Ecija 1st District, kung saan inaasatan ang House Committee on Ways and Means at iba pang appropriate committees na magsagawa ng inquiry, in aid of legislation, kaugnay sa smuggling ng mga basic commodities at tobacco, at magmungkahi ng mga remedial measures.
#

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

2 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

2 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

2 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

3 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

3 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

3 hours ago