Salceda, nais magpataw ng mas mataas na buwis sa mga distilled spirits at iba pang inumin

Nais ngayong i-update ni Albay Rep. Joey Salceda ang sampung taon nang Sin Tax law sa pamamagitan ng panukalang batas na naghahangad ng mas mataas na buwis sa mga distilled spirits at iba pang inumin.

Ang panukalang batas na ito, ayon kay Salceda ay magpapataw ng “non-essential goods tax” sa mga distilled spirits at iba pang inumin na lampas P20,000 kada bote.

Tiniyak ni Salceda sa mga anti-tobacco advocates na nananatili siyang “champion of sin taxes” ngayong Kongreso.

Pinag-aaralan din ng mambabatas ang isang “junk food tax,” pati na rin ang pag-update sa mga rates ng sweetened beverage tax kung saan binigyang-diin niya na ang labis na katabaan ay masama sa katawan ng tao tulad ng alcohol at tobacco.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *