Sales Representative na may travel history sa Camarines Sur bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE – Pitong panibagong kaso ng COVID- 19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes.

Isa dito ay mula sa bayan ng Basud na isang Product Sales Representative na may travel history sa Milaor, Camarines Sur.

Siya si Bicol No 13514, 26 anyos na lalake mula sa Barangay Mampili na unang nakaranas ng sintomas noong May 28, 2021.

Sa nabanggit na petsa ay nagsimula itong makaramdam ng lagnat, sipon at sakit ng ulo kaya’t nang sumunod na araw ay kinunan ito ng specimen para sa RT- PCR test.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan agad isinailalim sa quarantine procedure ang mga naging close contact ng pasyente upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Si Bicol No 13514 ay kasalukuyang nagpapagaling sa District II Temporary Treatment and Monitoring facility.

Matatandaan na noong Sabado ay iniulat ng Lokal na Pamahalan na isang School Registrar na taga Barangay Poblacion 2 ang nagpositibo sa sakit.

Siya naman si Bicol No 12930, 58 anyos na babae na unang nakaranas ng sintomas noong June 2.

Nakaranas siya ng lagnat, ubo at pananakit ng katawan.  Si Bicol No 12930 ay walang travel history at “unknown” din ang exposure.

Ang pasyente ay nagpapagaling naman sa isang isolation facility sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *