Samahan ng mga mangingisda sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng iba’t ibang produkto

Sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay nakalipas na mga araw ang samahan ng mga mangingisda sa Brgy. Barretto, Olongapo City.

Ito ay ang pagsasanay tungkol sa Seaweeds Postharvest Livelihood Technologies ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3.

Ayon kay Bankero & Fisherman Association Chairman Noliboy Cocjin, kabilang sa mga produkto ay dried seaweed noodles, leche flan, crackers, noodles, yema, achara at puto.

Magiging malaking tulong umano ito sa mga mangingisda kapag umabot na sa merkado bilang dagdag kabuhayan sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at ng City Agriculture Office.

Isa pa ay magkakaroon ang lungsod ng sariling produkto na maipagmamalaki sa ibang lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Noliboy Cocjin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *