National

10 libong batas, tututukan ng Kamara matapos ang LEDAC priority measures

Nasa sampung libo pang mga panukalang batas na inihain ng mga kongresista ang aasikasuhin sa Kamara kahit naaprubahan na ang “priority measures” na tinukoy ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.

Ayon kay PBA Party-list Representative Margarita Nograles, hindi magpapahinga ang Mababang Kapulungan dahil tatalakayin naman ang mga nakabinbing local bills at iba pang panukalang bahagi ng economic agenda ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinegundahan ito ni Negros Occidental Representative Francisco Benitez at iginiit na may mga naibubunyag na problema sa oversight power ng Kamara na hindi nakasama sa legislative process at nangangailangan ng masusing pag-aaral bukod pa sa LEDAC priorities.

Ngayong linggo lang ay apatnapu’t limang local at national bills ang target na ipasa bago ang Holy Week break.

Labingsiyam na LEDAC measures ang naaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa na mas maaga sa naunang target na Hunyo ngayong taon.

Idinagdag naman ni Lanao del Norte Representative Mohamad Khalid Dimaporo na may mga trabaho pang dapat pagtuunan ng pansin gaya ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2.

Aalamin aniya ang ugat ng problema sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao kung bakit isa ito sa may pinakamababang performance sa edukasyon, statistics at indicators.

BNFM Makati

Recent Posts

Bagong kasal na Groom nawindang matapos malamang Lalaki rin ang kaniyang Bride?

NABIGLA ang bagong kasal na groom nang malaman na Lalaki pala ang pinakasalan na bride…

15 mins ago

Buffer Stocks ng NFA sa Camarines Sur, tumaas ng husto sa ₱30 na palay buying price

CAMARINES SUR- Tumaas ng husto ang buffer stocks ng palay ng National Food Authority sa…

45 mins ago

Itinalagang Mangingisdang Direktor nakipagpulong na sa Magsasakang Direktor para pag-usapan ang kanilang pagsanib-puwersa

BNFM Bicol-MATAPOS maipakilala nitong nakaraang araw ang Mangingisdang Direktor na si MD Arnel Bitome opisyal…

48 mins ago

Driver, ginlabo-pilason sa Dumalag

Pilas sa dughan ang naangkon sang isa ka driver matapos ginlabo sang kasubong man nga…

1 hour ago

18 barangay sa Albay, pasado sa 2023 Seal of Good Local Governance for Barangays – DILG Bicol

LEGAZPI CITY - Pasado an nasa 18 mga barangay sa Albay sa 2023 Seal of…

1 hour ago

Training on Good Agricultural Practices on Abaca Production and Basic Handloom Weaving kan PHILFIDA Bicol, matapos na ngunyan na aldaw

LEGAZPI CITY – Ngunyan na an ultimong aldaw kan training sa Abaca Production and Basic…

2 hours ago