San Marcelino LGU hiniling ang tulong ng mga quarry operators para sa pagsasaayos ng Sto. Tomas Taildike

Hiniling ni Mayor Elmer Soria ng San Marcelino, Zambales sa mga quarry operators na makipagtulungan sila sa LGU sa pagsasaayos ng nasirang Sto. Tomas Taildike.

Ito ay matapos na makipagpulong nakalipas na araw ang Lokal na Pamahalaan sa mga quarry operators ng bayan.

Nais ng LGU na agad magawan ng paraan na maayos ang lugar para hindi mahirapan ang mga residenteng dumaraan dito.

Samantala, maliban dito ay tinalakay rin sa pagpupulong na hindi papayagan ang operasyon ng quarry isang daang metro mula sa dike, at iba pa.

Matatandaan, ang bayan ng San Marcelino ang may malaking pinsalang naiwan sa imprastruktura at agrikultura dulot ng mga nakalipas na bagyo at habagat.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *