Tinagurian ng “Mango Highway” ang San Narciso-San Marcelino, Zambales Shortcut Intersection.
Ayon sa Municipal Tourism Office ng San Narciso, dahil marami ng mga vendors ang nagtayo ng kanilang mga stalls sa area ay napag-kasunduang lagyan na ito ng billboard at tawaging “mango highway”.
Paraan naman umano ito ng LGU para mas mapalakas pa ang agri-tourism sa lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan tumaas ang benta ng mangga na sariling ani ng mga asosasyon sa lugar simula nang simulan ang pag-didisplay dito noong pandemic.//Russell Banawa-BNFM OLONGAPO