Sandara Park, gagawa ng solong album

Ibinunyag ng K-pop star na si Sandara Park na gumagawa siya ngayon ng kanyang solo album.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Sandara na ang magiging konsepto ng kanyang album ay ang kanyang pangalan.

Ang paparating na album ni Sandara ay ang kanyang unang solo album mula nang siya ay mag-debut bilang miyembro ng K-pop girl group na 2NE1 noong 2009.

Ang grupo, na na-disband noong 2016, ay kilala sa kanilang mga hit gaya ng “Fire” at “I Am The Best.”

Sumikat si Sandara sa Pilipinas matapos makipagkumpitensya sa ABS-CBN celebrity search na “Star Circle Quest.”//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *