Sandiganbayan, hinatulan ng graft ang dating mga opisyal ng Department of Agriculture

Hinatulan ng graft ng Sandiganbayan ang dalawang dating Department of Agriculture (DA) officials kaugnay sa pagbili ng overpriced liquid fertilizer noong 2004 na parte umano ng P728-million fertilizer fund scam.

Sa desisyon ng anti-graft court, sinentensyahan si noo’y Regional Executive Director Oscar Parawan at si dating Chief Accountant Ma. Perlice Julian ng anim hanggang walong taong pagkakakulong.

Hinatulan ang dalawang opisyal matapos i-authorize ang pag-transfer ng P5 million public funds sa non-government entity na Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation, Inc. (MAMFI) nang walang public biddling, na nagresulta ng overprice purchase ng fertilizers.

Ayon sa Sandiganbayan, walang nschedule of prices sa Department of agriculture na siyang pwedeng pagkumparahan ng presyo.

Gamit ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sinasabi ng korte na ang sabwatan sa paggawa ng graft ay maaring matapos sa pamamagitan ng pagbibigay ng unwarranted benefits sa MAMFI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *