Sandigang Bayan, ibinasura ang apela ng dating alkalde ng Manito, Albay kaugnay ng anomalyang kinasasangkutan

Makalipas ang ilang taon ay ibinasura ng Sandigan Bayan ang apela ni dating Manito, Albay Mayor Carmencita Daep kasama ang iba pang opisyal kaugnay ng isang anomalya na kinasangkutan ng mga ito sa kanyang pamumuno noong taong 2004.

Hindi nakumbinsi ng alkalde ang Anti-Graft Court na ipawalang-sala siya para sa kasong Graft dahil sa pagbili ng unregistered fertilizers na nagkakahalagang PHP3M.

Maliban dito, guilty rin sa kaso ang mga bumubuo ng Bids and Awards Committee na kinabibilangan ng Municipal Accountant na si Ameife Lacbain; BAC Chairman Dioscoro Ardales at mga miyembro na sina Arnold Calsiña at Ernesto Millena.

Hinatulan ang alkalde at ang mga nabanggit na respondent ng 6-10 taong pagkakakulong at “perpetual disqualification from holding public office”.

Sa record na inilabas ng Ombudsman sa Sandiga Bayan, bumili umano ang pamahalaang bayan ng Manito sa Hexaphil Agriventures Inc., isang fertilizer supplier, na mula sa PHP780M Farm Inputs/Farm Implements Program ng Department of Agriculture, subalit hindi umano ito rehistradong kompanya sa Makati Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Sinabi rin ng pinuno ng Fertilizer Regulatory Services Division ng Fertilizer and Pesticides Authority na peke din ang mga permit ng nasabing kompanya.

Dagdag pa rito, hindi rin ito rehistrado sa Department of Trade and Industry (DTI) habang ni-revoke naman ng Securities and Exchange Commission ang registration dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *