Sandra Cam, anak at iba pa, pinaaaresto na; korte walang piyansa na inirekomenda

SORSOGON CITY – Pinaaaresto na ng korte ang pitong akusado dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III noong Oktubre 2019.

Kinabibilangan ito ni PCSO Board Member Sandra Martinez Cam, ang anak nito na si Marco Martin Martinez Cam, Batuan, Masbate Vice Mayor Nelson Refermoso Cambaya, Junel Reyes Gomez, Bradford Fuerte Solis, Juanito Bustamante De Luna at Rigor Magallanes Dela Cruz.

Ang arrest order ay ipinalabas sa sala ni Judge Dinnah Topacio na may petsang Abril 26, 2021.

Nabatid na mismong ang DOJ ang nagrekomenda ng ‘No Bail’ laban sa mga akusado dahil ang krimen ay isang ‘capital crime’ na isang non-bailable offense.

Ang pagsasampa ng kaso ay pinangunahan ng National Bureau of Investigation.

Natalo ang anak ni Cam sa napatay na anak ng bise alkalde na si Charmax noong May 2019 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *