Sandra Cam, masaya sa pagkaabsuwelto sa kasong pagpatay sa Bise-Alkalde ng Balud, Masbate; testimonya laban kay De Lima, binawi  

 Sinabi ng abogado ni dating PCSO Board Membar Sandra Cam na si Atty Buenaventura Miranda na masaya ang kanyang kliyente na ito ay naabsuwelto sa kasong pagpatay sa dating Vice Mayor ng Balud na si Charlie Yuson III.

Dagdag pa ng abogado na hindi umano natinag si Cam dahil buo itong nagtiwala sa sistema ng hustisya sa Pilipinas.

Bukod kay Cam ay naabsuwelto rin ang anak nito na si Marco Martin at iba pang akusado.

Si Yuson ay pinaslang noong 2019 habang nag-aalmusal sa Sampaloc, Maynila.

Sa kaugnay na balita, tinanggap na ni dating Senator Leila De Lima ang paghingi ng tawad ni Sandra Cam, isang dating ‘whistleblower,’ sa pagpayag sa kanyang sarili na gamitin bilang paraan para sa pag-aresto sa kanya.

Una rito, binawi ni Sandra Cam ang kanyang testimonya laban kay dating Senator Leila De Lima, na kasalukuyang nakakulong sa mga kaso ng iligal na droga.

Sa kanyang Twitter Account, sinabi ni De Lima na natutuwa siya na pinagsisihan ni Cam ang kanyang mga aksyon at dahil doon ay tinatanggap niya ang paghingi ng tawad ni Cam.

‘’Lahat tayo ay may pagkakataon ng redemption o pagtubos. Hindi likas sa tao ang kasamahan.’’ Sinabi pa ng dating Senador na matagal na niya umanong pinatawad at pinaubaya sa Diyos ang mga ginamit o hinayaan ang kanilang sarili na gamitin para magkalat ng kasinungalingan laban sa kanya.

‘’Ang katotohanan at katarungan, gaano man ito katagal ay laging mananaig,’’ pagtatapos ng twitter post ng dating senador.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *