Sanggol, iniwan at isinabit sa gate sa Norala, SoCot

KORONADAL CITY — NASA ligtas nang kalagayan ang isang sanggol na naka-silid sa bag at isinabit sa gate ng isang bahay sa Purok Aquino, Bario 2, Norala, South Cotabato.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Mary Kris Aquino-dela Cruz, sinabi nito na tauhan ng kanyang tiyuhin ang unang nakakita sa batang umiiyak alas—5:30 kaninang umaga.

Naka-silid umano ito sa isang pack-bag na isinabit sa gate ng bahay ng kanyang tiyuhin na si Salvador Aquino.
Sinabi ni dela Cruz na panay ang iyak ng sanggol na isang lalaki at tumahan lamang ito ng makarga na ng kanyang tiyahin.

Pinaniniwalaang ilang araw nang ipinanganak ang nasabing bata dahil malapit na umanong matanggal ang pusod nito.

Dagdag pa ni dela Cruz na agad nilang ipina-alam sa mga opisyal ng kanilang barangay ang sitwasyon ng nabanggit na sanggol at agad na dinala sa ospital.

Sa ngayon, nasa ligtas na umano itong kalagayan at nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *