Sanggol sa Naga City patay dahil sa dengue

NAGA CITY  – Nasawi ang pitong buwang gulang na sanggol na babae dahil sa dengue sa Barangay Mabolo, lungsod ng Naga matapos na hindi agad ito madala sa ospital sa kabila ng ilang araw na itong nilalagnat.

Ang pagkamatay ng sanggol ay kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Criselda Monte, Barangay Health worker ng Mabolo. Sa salaysay ni Monte, na dehydrate ang sanggol dahil sa ilang araw na itong nilagnat bago pa napag desisyunan na dalhin sa ospital ng nag-aalaga nitong lola.

Ayon sa kanya, hindi ipinaalam sa kanila ang tunay na kalagayan ng sanggol, huli na nang malaman nilang dinala na ito sa ospital dahil malala na, Agosto 4 nang bawian ng buhay.

Nalulungkot sina Monte, dahil sila pa ang sinisisi sa nangyari dito, sa kabila ng wala naman silang naging kasalanan. Sa kanyang paliwanag, regular naman ang paalala na parating maglinis sa paligid, sundin ang 4S laban sa dengue.

Ngayong araw ay nakatakda ang clean up , magtutulong-tulong sa paglilinis sa paligid para mawala ang mga lamok sa paligid.

Leave a Reply

Your email address will not be published.