Sangguniang Bayan ng Bulan, inihihirit na mapasama ang bayan sa ruta ng PNR South Long Haul

SORSOGON CITY – Naghain ng resolusyon sa Sangguniang Bayan ng Bulan ang ilang konsehal kaugnay sa hirit nitong pagsama ng Bulan sa ruta ng gagawing railways mula Metro Manila hanggang sa bayan ng Matnog.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Sorsogon, ang nasabing apelasyon ay naka-address kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade.

Layon ng nasabing Resolution na bilang First Class Municipallity, ay dapat magkaroon din ng sariling ruta na dadaan sa Bulan dahil tatagusin rin naman umano nito ang kanilang kalapit-bayan na Matnog.

Kaugnay nito, naniniwala ang konseho na hindi naman ito mahirap gawin sa panig ng transportation sector kung saan sakaling maaprubahan ay magkakaroon ng sariling PNR station ang bayan ng Bulan.

Ang PNR Long Haul ay may kabuuang 639 km na rail road tracks na magsisimula sa Tutuban patungong Legazpi City sa Albay at Matnog sa Sorsogon.

Ang railway track na magsisimula sa Tutuban patungong Los Banos ay popondohan ng bansang Japan habang ang Los Banos patungong Matnog ay popondohan ng bansang China.

Magkakaroon ng mga train stations sa Maynila, Los Banos, Batangas City, Lucena, Gumaca, Naga City, Legazpi City, Sorsogon City at Matnog.

Ang nasabing proyekto ay bahagi ng ‘Build, Build, Build’ infrastructure program sa ilalim ng pamumuno ni Pres Rodrigo Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *