Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte, ginawaran ng pagkilala si PLTCOL Rogelyn Peretero

CAMARINES NORTE- Ginawaran ng pagkilala si PLCOL Rogelyn Peretero ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte bilang isa sa mga natatanging kababaihan na pagpapatupad ng batas at pambansang seguridad sa Pilipinas.

Ginanap ang nasabing pagkilala noong ika-11 ng Abril, taong kasalukuyan sa Provincial Capitol ng lalawigan.

Matatandaan, nito lamang ika-22 ng Marso taong kasalukuyan ay ginawaran na rin ng parangal si PLTCOL Peretero ni Pangulong Marcos sa larangan ng Law Enforcement at National Security sa Malacañang Palace, Jose P Laurel Sr, San Miguel, Manila, Metro Manila.

Ang nasabing parangal ay kaugnay sa seremonya ng Outstanding Women in Law Enforcement and National Security (OWLENS) 2023 na kung saan isa si PLTCOL PERATERO sa sampung mga kababaihan sa iba’t ibang larangan ang nabigyan ng pagkakataon na gawaran ni Pangulong Marcos Jr ng nasabing parangal.

Sa kasalukuyan, si PLTCOL Peretero ay hepe ng Provincial Community Affairs and Development Branch ng Camarines Norte Police Provincial Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *